INIREKOMENDA ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na alisin na ang fishing ban sa mga bayan ng Calapan, Bansud, at Gloria, sa Oriental Mindoro tatlong buwan matapos lumubog ang MT Princess Empress.
Kasunod nito, sinabi rin ng BFAR na hindi pa dapat alisin ang fishing ban sa mga bayan ng Pola, Pinamalayan, at Naujan, sa nasabi ring lalawigandahil sa banta pa rin ng kontaminasyon mula sa langis.
“The latest analyses of the BFAR showed that traces of oil and grease in water samples slightly increased in all sampling sites in comparison to the baseline data, but these were still within the standard limit or those suited for boating and fishing activities, as well as fish propagation intended for commercial and sustenance purposes,” sabi ng BFAR.
Nauna nang inalis ng BFAR ang fishing ban sa Bongabong, Roxas, Mansalay, Bulalacao, Puerto Galera, Baco, at San Teodoro.