MATAPOS ang tangkang pananabotahe sa ilang government websites nitong nakaraang araw, nanawagan si Senador Grace Poe na patatagin pa ng pamahalaan ang firewall system ng lahat ng mga ahensiya laban sa cyberattack.
“The fresh attempt to hack a government website is alarming and outraging,” sabi ni Poe, na chairperson ng Senate committee on public services, sa isang kalatas nitong Lunes.
Ginawa ni Poe ang panawagan matapos ma-trace galing China ang tangkang cyberattack laban sa website ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), Philippine Coast Guard at official website ni Pangulong Bongbong Marcos.
“While the DICT foiled the intrusion try, the recent incident was a stark reminder that cyber attacks have become bolder and more relentless,” dagdag ni Poe.
Kinumpirma naman ni Department of Information and Communications Technology Jeff Ian Dy na ang tangkang pag-atake ay mula sa China Unicom, isang state owned telecommunication company sa China.
Nagpahayag din ng pagkabahala si Poe sa nangyaring tangkang pag-atake, na anya ay banta sa seguridad ng bansa.
“Fortifying website firewall and systems should be the task of all agencies maintaining an online presence,” ani Poe.
“All means should be explored to keep the people’s data secure and uncompromised,” dagdag pa ng senador.