FINANCIAL ASSISTANCE APRUBADO PARA SA LGUs NA NASA ECQ

PINIRMAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ngayong araw ang Proposed Grant para sa FInancial Assistance sa mga Local Government Units (LGUs) na nasa ilalim ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Naunang nabanggit ng Malacañang na magpapalabas ng ayuda ang Pamahalaan para sa mga apektado ng panibagong ECQ sa NCR Plus, na binubuo ng Metro Manila, Bulacan, Laguna, Rizal, at Cavite.