IDINEKLARA ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) bilang Severe Tropical Storm Falcon habang ito ay kumikilos hilaga-hilagang kanluran sa Philippine Sea.
Sa 5 a.m. bulletin ng PAGASA, sinabi nito na huling namataan si Falcon 1,190 kilometers (km) silangan ng Northern Luzon na kumikilos sa bilis na 15 kilometers per hour (kph) na may taglay na hangin na 95 kph at pagbugso na hanggang 115 kph.
Pinalakas pa ni “Falcon” ang nararanasang southwest monsoon o habagat na siyang magdadala pa ng mga pag-ulan sa kanlurang bahagi ng Luzon at Visayas sa susunod na tatlong araw.
Inaasahan na lalakas pa si Falcon sa susunod na tatlong araw na posible ring maging isang ganap na bagyo ngayong araw o umaga ng Lunes. Posibleng mas lumakas pa ito sa Martes.