INANUNSYO ngayong Linggo ng Department of Education (DepEd) na asynchronous ang pasok ng mga mag-aaral sa lahat ng pampublikong paaralan sa Lunes, Abril 8, 2024.
Ibig sabihin, hindi kailangan pumasok sa eskwela ang mga bata, at ipatutupad na lamang ang distance learning mode.
Ang mga guro at non-teaching staff ng mga eskwela ay hindi na rin anya kailangan pumasok pa ng pisikal sa mga paaralan bukas.
“In order to allow learners to complete pending assignments, projects and other requirements, all public schools nationwide shall implement ASYNCHRONOUS CLASSES/DISTANCE LEARNING on Monday, 8 April 2024,” ayon sa post DepEd sa Facebook.
Hindi umano cover ng advisory ang mga pribadong paaralan ngunit may opsyon sila na ipatupad ang nasabing order.