MULING ipinagpaliban ni Pangulong Duterte ang face-to-face classes sakabila ng rekomendasyon ni Education Secretary Leonor Briones.
“There’s another one, kay Secretary Briones, iyong face-to-face. Ma’am, we might differ in our opinions about the matter but for as long as there is really no vaccination, all (there will be no face-to-face classes)” sabi ni Duterte sa kanyang Talk to the People.
Ayon kay Duterte, dapat hintayin na matapos ang isinasagawang pagbabakuna kontra coronavirus disease (Covid-19) sa lahat ng Pinoy bago pa ituloy ang face-to-face classes.
“Ang sa ano, ma’am, dito sa face-to-face, I think I am not inclined to agree with you. I’m sorry but mahirap. I… I cannot… I cannot gamble on the health of the children. I hope you’d understand,” ayon pa kay Duterte.