PUMANAW ang dating whistleblower at dating opisyal ng Philippine Charity Sweepstakes Office na si Sandra Cam nitong Huwebes, Abril 10, 2025, sa edad na 64.
Kinumpirma ng kanyang anak na si Marco ang pagpanaw ng ina sa isang post sa Facebook.
Hindi naman tinukoy kung anong sanhi ng pagkamatay ng dating opisyal.
“It is with heavy hearts that we announce the passing of our dearly beloved mother, Sandra Abaño Martinez-Cam who was called to join our Creator on April 10, 2025,” ayon sa post.
Ayon kay Marco, kinilala ang kanyang ina bilang “Dangal ng Bayan” at “Natatanging Filipina na Sumusulong sa Pagtulong at Paglaban sa Korapsyon” dahil sa “dauntless courage, bold spirit and unwavering dedication as a diligent fighter for truth.”
Matatandaan na noong 2005, umamin si Cam bilang jueteng bagwoman bago naging whistleblower para sa pamahalaan, dahilan para malantad ang korupsyon ng ilang opisyal ng gobyerno dahil sa pagkakasangkot sa sugal.
Noong panahon ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, itinalaga siyang board member ng PCSO.