NANINIWALA si dating Quezon City mayor Herbert Bautista na politically motivated ang isinampang graft case sa kanya at dating city administrator na si Aldrin Cuña ay may halong politika.
Naghain ng “not guilty” plea si Bautista sa isa sa dalawang graft case na isinampa sa kanya sa Sandiganbayan nitong Huwebes.
Ang kaso ay kaugnay sa P32.2-milyong kontrata na pinasok ng local city government noong kanyang administrasyon sa Geodata Solutions, Incorporated para sa pagbili ng online occupational permitting and tracking system.
“Nag-devote ka ng sarili mo sa mamamayan ng Quezon City for 34 years and then because of politics meroon tayong ganito,” ayon sa dating alkalde.
Ang isa pang kaso ng graft ay may kaugnayan naman sa P25.34-milyon kontrata na ibinigay sa Cygnet, na para sa pag-install ng solar power at waterproofing systems ng Civic Center Building F.
Sa isinampang mga kaso ng Ombudsman, sinabi nito na pinaboran ni Bautista at Cuña ang dalawang contractor sakabila ng hindi pagsunod ng mga ito sa documentary requirements at procedures, na isang paglabag sa Section 3 (e) ng Republic Act No. 3019 or the Anti-Graft and Corrupt Practices Act.