NAMATAY sa loob ng National Bilibid Prison (NBP) ang abogadong si Richard Cambe, ang dating chief of staff ni Senador Bongbong Revilla na guilty sa kasong plunder.
Ayon sa ulat, namatay si Cambe matapos ma-stroke sa loob ng kulungan nitong Huwebes.
Naisugod pa sa Ospital ng Muntinlupa ang abogado ngunit idineklarang patay alas-6 ng gabi, ayon kay Bureau of Corrections (BuCor) Deputy Director General Gabriel Chaclag.
Sinabi rin ng opisyal na wala silang nakitang “foul play” sa pagkamatay ni Cambe.
“So we can only confirm that he died of stroke. Initial investigation also shows no signs of foul play so far,” ayon sa opisyal.
Si Cambe, ay dating chief of staff ni Revilla, na napatunayang guilty sa kasong plunder noong 2018, kasama ang negosyanteng si Janet Lim Napoles kaugnay sa P224.5 milyong pork barrel funds ng senador.