SUMAKABILANG-buhay ang abogadong si Richard Cambe, ang nakakulong na dating chief of staff ni Sen. Bong Revilla, dahil sa stroke Huwebes ng gabi, ayon sa Bureau of Corrections.
Nahatulan si Cambe sa kasong plunder noong 2018 kaugnay sa umano’y pagkulimbat sa P224.5 milyon mula sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) ni Revilla na idinaan sa pekeng non-government organization ni Janet Lim Napoles.
Nakakulong si Cambe sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City. Ayon kay Bucor spokesperson Gabriel Chaclag, naitakbo pa si Cambe sa Ospital ng Muntinlupa kung saan ito binawian ng buhay alas-6.
“His next of kin has been informed and they requested that their privacy be respected. So we can only confirm that he died of stroke.
Initial investigation also shows no signs of foul play so far,” ani Chaclag sa panayam sa TV.