Eva Darren nagka-award matapos maisyu sa Famas 

ISA ang controversial character actress na si Eva Darren sa mga gagawaran ng pagkilala ng  “Gawad Dangal Filipino Award.”

Sa listahan na inilabas ng grupo, pararangalan si Eva bilang “Most Empowered Veteran Actress of the Year.”

Maliban kay Eva, bibigyan din ng pagkilala sina Maricel Soriano, Roderick Paulate, Piolo Pascual, Alessandra De Rossi, Pokwang, Aiko Melendez, Dingdong Dantes, Marian Rivera, at iba pa.

Matatandaan na umingay ang pangalan ni Eva makaraan siyang palitan bilang presenter sa Famas awards night noong nakaraang buwan.