INIUTOS ng Department of Education nitong Huwebes ang pag-shift sa blended learning ng mga paaralan sa Masbate matapos ang ginawang pag-atake ng mga rebeldeng komunista kamakailan na ikinasugat ng dalawang sundalo at isang bata.
“Grabe yung learning disruptions dahil nga sa mga ganitong terrorist encounters. So we want to ensure that there is learning continuity,” ayon kay DepEd spokesperson Michael Poa.
Sa isang kalatas ng DepEd, sinabi nito na hahayaan ang mga school heads at principal na magdesisyon kung isususpinde ang klase.
“There will be no blanket suspension of classes. The suspension of in-person classes and immediate shift to blended learning shall be left to the discretion of the school heads/principals, upon due assessment and proper coordination with the concerned LGU (local government unit) — keeping in mind the peace and order situation, as well as the mental health of learners and school personnel,” ayon sa kalatas.
Mariin ding kinondena ng kagawaran ang ginawang pag-atake ng mga rebelde.
“The Department of Education (DepEd) vehemently condemns the alarming rate of communist rebel activities in Masbate, causing undue learning disruption in the province. These acts of terrorism perpetrated by the New People’s Army (NPA) have caused trauma to learners and school personnel who witnessed the senseless violence,” ayon dito.
Dalawang sundalo at isang bata ang nasugatan matapos pasabugin ng mga rebelse ang improvised explosive device nitong Marso 22 sa Placer, Masbate. Naganap ang pagsabog malapit sa isang paaralan sa baranga Locso0on.