POSIBLENG i-extend ang enhanced community quarantine sa Metro Manila at mga lalawigan ng Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal sa sandaling hindi bumaba ang bilang ng mga bagong kaso ng Covid-19.
Ito ang sinabi ngayon ni National Task Force (NTF) Against COVID-19 Spokesperson Restituto Padilla sa panayam sa radyo.
Bukas ipatutupad ng pamahalaan ang isang linggong lockdown sa NCR plus bilang tugon sa patuloy na pagtaas ng bilang ng impeksyon. Tatagal ito hanggang sa Abril 4.
“Minomonitor natin yung sitwasyon. Kailangan natin ang kooperasyon ng lahat para matulungan natin ang mga frontliners natin at mapababa yung mga kaso ng coronavirus,” pahayag ni Padilla.
Kung patuloy na susuway anya ang mamamayan sa mga pinaiiral na restriksyon ng pamahalaan baka lalo pang tumagal ang ECQ.
“If the alarming COVID cases will continue because we are not heeding the call of the government, we may extend this (ECQ) as what is important is to prevent our health system to be overwhelmed by the patients being tested with the virus,” dagdag pa ni Padila.