NAKABANTAY na nang todo ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) simula ngayong Miyerkules laban sa mga pasaway na driver ng e-bike at iba pang katulad nitong behikulo na dadaan sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila.
Sa inilabas na report ng MMDA, umabot sa 87 sasakyan ang nahuli — 50 tricycle, 4 na pedicab, 18 e-trike at 15 e-bike.
Lahat ng mga nahuli ay pinagmulta ng P2,500 habang 19 sa mga behikulo ang na-impound dahil hindi rehistrado o ang driver ay walang maipakitang lisensiya.
“Ang pangunahing layunin ng regulasyon ay para sa kaligtasan ng publiko, maiwasan ang mga aksidente, at maiwasan ang bigat sa daloy ng trapiko,” ayon kay MMDA acting chair Romando “Don” Artes.
Nauna nang nagpahayag ang MMDA nitong Abril 15 na sisimulan na nila ang panghuhuli sa mga hindi reistradong e-bike ngayong Miyerkules.