INAYAWAN ni dating Pangulong Duterte ang alok na posisyon sa administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos.
Ayon kay Duterte, tila hindi tama kung tatanggapin niya ang alok na anti-drug czar na posisyon dahil may halal na pangulo na siyang dapat manguna sa kampanya laban sa ilegal droga.
“Mukhang hindi na rin tama because there is a president duly elected and it is his duty to enforce the law and solve crimes,” pahayag ni Duterte sa panayam ni Pastor Apollo Quiboloy Miyerkules ng gabi.
Matatandaan na una na ring inalok ni Marcos si Duterte na pamunuan ang kampanya ng pamahalaan kontra droga ngunit tinanggihan ito ng dating pangulo.