MATAPOS kumalat ang sinasabing fake na video ng diumanoy paggamit ng ilegal na droga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos sa mismong araw ng kanyang ikatlong State of the Nation Address nitong Lunes, naglabas naman ng pahayag si dating Pangulong Rodrigo Duterte na humahamon sa presidente na patunayang hindi nga siya gumagamit ng droga.
Ang tinutukoy ni Duterte ay ang sinasabing “polvoron” video na ipinalabas diumano sa Maisug gatherings sa Vancouver, Canada at Los Angeles, USA.
Itinanggi naman ni Duterte na may kinalaman siya o ang Hakbang ng Maisug national leadership na sila ang nagpakalat nito sa iba’t ibang social media platforms.
“The Hakbang ng Maisug national leadership has nothing to do with the release of the video footage showing President Ferdinand Marcos Jr. in the act of snorting cocaine in Maisug gatherings in Vancouver, Canada and Los Angeles, USA,” pahayag ni Duterte.
“It was a decision made entirely by the Maisug volunteers in the said two places without the knowledge and imprimatur of the Maisug organizing committee. The members of the Maisug leadership is just as surprised as the rest of the country when they saw it for the first time.
Inaasahan na rin anya na mariing itatanggi ng administrasyon Marcos na totoo ang haka-hakang gumagamit ng droga ang pangulo, at ang mabilis na pagsasabing peke ang nasabing footage.
Ngunit anya, ang denial ay isang mahinang depensa.
“Denial is the weakest form of defense. It has to do better than that,” giit ni Duterte.
Kaya nga muling hinamon ni Duterte si Marcos na sumailalim sa drug test gamit ang hair folicle.
“With due apologies to all the experts who vouched for the authenticity of the video, the refusal of President Marcos to undergo the hair follicle drug test is the best proof not only of the video’s authenticity but, worse, his drug addiction,” saad pa ni Duterte.