Driver, pahinante natuhog ng bakal

KARIMARIMA-RIMARIM ang naging katapusan ng  truck dri­ver at kanyang pahinante nang matuhog sila ng mga bakal na kanilang idedeliber kamakailan sa Brgy. Bunawan, Davao City.

Kinilala ang mga biktima na Nestor Doronio, 56, driver, ng New Ilocos Magsaysay, Davao del Sur at helper na si KR Reasonable, 24,  ng Marber, Bansalan, Davao del Sur.

Nangyari ang insidente nitong Hunyo 25 sa Cargo Entrance ng Davao International Airport sa Garcia Highway, ayon sa pulisya.

Karga ng truck ang 50 piraso ng 12-millimeter steel sheets nang  biglang tumawid sa intersection ang isang kawani ng airport.

Sa pagpreno ni Doronio ay nakalas ang tali ng mga bakal dahilan para dumiretso sa kinaroroonan ng ng driver at pahinante.

Nadakip ang pedestrian na nahaharap sa reklamong reckless imprudence resulting to homicide.