KULANG sa decorum ang ilang senador tuwing nasa sesyon at committee hearing.
Ito ang ginawang pagsasalarawan ng batikang mambabatas at dating Senador na si Franklin Drilon sa ilang miyembro ngayon ng Senado na hindi marunong anyang sumunod sa decorum dahilan para mapulaan ang institusyon na dati niyang kinabibilangan.
Dahil dito, hinimok niya ang dating kasamahan at ngayon ay lider ng Senado na si Senate President Juan Miguel Zubiri na iparamdam sa mga kasama ang kanyang “displeasure” sa ipinakikitang pangit na pag-uugali sa tuwing may sesyon at hearing.
Wala namang tinukoy na pangalan si Drilon, ngunit umaasa anya siyang hindi mga balat-sibuyas ang mga dati niyang kasamahan.
“With all due respect—and I hope that my former colleagues are not onion-skinned—I’m compelled to speak out on what the public perceives to be the erosion of prestige in the Senate principally by what is perceived to be the lack of decorum by some senators,” pahayag ni Drilon nitong Huwebes.
Isa sa mga tinutukoy niya umanong pangit na nangyayari ngayon sa Senado ay ang pagiging “noisy” sa floor deliberation dahilan para hindi magkaintindihan ang mga ito.
Anya, dapat mag-draw ng line si Zubiri kung kailan dapat maging “cordial” at kung paano babastunin ang mga ito habang nasa deliberasyon.
“My good friend (Zubiri) is often called—with good reason—as Mr. Congeniality, but he must draw the line because upholding and restoring the prestige of the Senate is a burden on his shoulder,” anya.
“He must see to it that the trust of the people in the Senate as an institution remains high.”