Donny Pangilinan may ayuda sa binagyo

KAHON-kahon na relief goods ang donasyon ng Kapamilya actor na si Donny Pangilinan para sa mga taga-Bicol na nasalanta ng bagyong Kristine.

Pinasalamatan naman ng Angat Buhay Foundation ang aktor ang tulong nito sa mga naapektuhan ng bagyo.

“Heartfelt thanks to Donny Pangilinan for personally delivering relief goods at the Angat Buhay office!” ayon sa statement ng foundation ni dating Vice President Leni Robredo.

“Maraming salamat sa walang sawang pakikipagbayanihan, Donny!” dagdag nito.

Ibinadera rin ng Angat Buhay ang mga photos ng aktor at ang kanyang mga donasyon.

Tiyuhin ni Donny si dating Sen. Kiko Pangilinan na tumakbo bilang vice president ni Leni noong May 2022 national elections.