INIUTOS ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma na pag-aralan ng mga regional wag boards ang posibleng pagbibigay ng umento sa sahod ng mga manggagawa sa susunod na taon dahil sa patuloy ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
“This (wage hike) is something we are studying. We are not disregarding recent events. That’s why our Regional Tripartite Wages and Productivity Boards (RTWPBs) have the directive that even though we just recently issued wage adjustments, we will still consider the current situation so we can help our workers and entrepreneurs,” ayon kay Laguesma.
Sa ngayon ay inaaral na anya ng mga regional wage boards ang mga dahilan na maaaring magtulak para sa muling pagtataas ng umento. Ito anya ay gaya ng mga nagdaang bagyo, mataas na inflation rate at ang pagbaba ng halaga ng piso kontra dolyar.
Nitong Hunyo ibinigay ang dagdag P33 sa sweldo ng mga manggagawa sa Metro Manila mula sa dating P537 ay naging P570 na, bunsod ng mataas na halaga ng krudo dala ng gera sa pagitan ng Russia at Ukraine. Ang dagdag sweldo sa mga probinsiya ay nasa P30 hanggang P110.
Ayon naman kay Elmer Labog, pinuno ng militanteng grupong Kilusang Mayo Uno, ang P570 na minimum ay kasing halaga lang ng P494 dahil sa implasyon.
“It is not even considered a living wage and now, the value of the minimum wage worker’s salary has been reduced because of high inflation,” ayon kay Labog.