PARA maiwasan ang mga impeksyon ngayong tag-init, pinayuhan ng Department of Health (DOH) ang mga babae na magsuot ng cotton underwear.
Ito ang abiso ng kagawaran makaraang imungkahi ni Iloilo Rep. Janette Garin sa mga babae na huwag magsuot ng panty kung nasa bahay lang naman.
Ginawa ni Garin ang payo sa pagdinig sa Senado.
Ani Health Secretary Teodoro Herbosa, may basehan ang suhestiyon ni Garin dahil ang sobrang init ang pinagmumulan ng candidiasis, isang fungal infection sa private part ng mga babae.
“Ang advice naman niya ang usually advice for candidiasis. Wear cotton underwear is an option, kung ayaw n’yong mag-commando, mag-cotton underwear. It also does not trap moisture, ‘yung pawis allows for fungal infection to proliferate,” ani Herbosa.
“Kapag mainit pinagpapawisan, may moisture sa private area of women. It can lead to candidiasis or itchiness sa genital area,” dagdag niya.
Sinang-ayunan din ito nina Health Undersecretary Emmie Chiong at Maria Francia Laxamana, na kinumbinse ang mga babae na gumamit ng feminine wash para iwas-fungal infection.