PUMALO sa 200,000 ang kaso ng influenza or flu-like illeneses, kabila ang ang COVID-19, sa bansa, ayon sa Department of Health.
Sadyang mataas umano ang bilang na ito kumpara sa kadalasang 90,000 na kasong naitatala tuwing ganitong panahon na nalalapit ang Kapaskuhan kung saan malamig ang panahon, ayon kay Health Undersecretary Eric Tayag.
“Dati rati nasa 90,000 lang sa panahon na ito. Pero hindi naman lahat ng ito ay influenza, may ilan dun na tinesting namin ay COVID pala, ‘yung iba ay influenza,” sabi ni Tayag sa panayam ng TeleRadyo Serbisyo.
Samantala, nakakabahala rin ang pagtaas ng mga kaso ng influena-like cases sa northern part ng China, kung saan ngayon ay pinaiigting ang pagsusuot ng mask bilang dagdag proteksyon.