INIREKOMENDA ng Catanauan, Quezon Prosecutors Office ang pagsasampa sa korte ng kasong destructive arson laban sa film director na si Jade Castro at sa tatlong kasamahan niya.
Sa resolusyon, nakitaan ng piskalya ng sapat na basehan upang papanagutin sa kaso sina Castro, Ernesto Orcine, Noel Mariano, at Dominic Ramos.
Nakatakda namang maghain ng motion for reconsideration ang mga abogado ng grupo.
Dismayado naman ang pamilya ni Castro sa naging desisyon.
“We were hoping that the prosecutor would dismiss the case and my brother and his friends could go home. But we are still optimistic that when this reaches the court, the judge will clearly see that my brother and his friends are innocent. We hope for continuous support from the public until Direk Jade and his friends are set free,” ayon sa kanila.
Inaresto ang apat noong Pebrero 1 makaraan umano nilang sunugin ang isang modern jeepney. Sa kuwento ng mga saksi, sumakay ang gruponni Castro sa jeep bago nila ito pinahinto at sinunog. Nasakote ang apat sa isang beach resort sa bayan ng Mulanay.