TAHASANG itinanggi ni actor-host Dingdong Dantes ang chika na naanakan niya ang aktres na si Lindsay De Vera.
“Wala po. Hindi po totoo,” giit ni Dingdong nang usisain ni Boy Abunda.
“Sa totoo lang, nagdadalawang isip talaga ako kagabi kung may sasabihin ba ako about the topic and the issue kasi alam kong baka tanungin ninyo e,” dagdag ni Dingdong.
“Pero para sa akin po kasi, dahil may mga tumatawag na po sa ‘kin na mga kaibigan, mga kamag-anak, ‘yung mga nagmamalasakit po sa ‘kin, and because I have a responsibility dito sa aking mga mahal sa buhay, responsibilidad ko na klaruhin ang isyung ito dahil mahalagang mahalaga po ang aspetong ito para sa akin,” dagdag ng mister ni Marian Rivera.
Ipinagdiinan din ng Box Office King kung gaano niya kamahal ang kanyang pamilya.
“I love my wife, I love my family very much, my kids. That’s why I’m saying that it is not true,” sey niya.
Noong 2020 unang kumalat ang isyu at pinabulaanan na ito kapwa nina Dingdong at Lindsay.