Digong pass muna sa Talk to the People

HINDI matutuloy ngayong araw ang naka-schedule na Talk to the People address ni Pangulong Duterte.

Sa kalatas, sinabi ni presidential spokesperson Harry Roque na sa susunod na linggo na lamang magsasagawa ng public address si Duterte.

Matatandaan na itinakda ngayong araw ang Talk to the People ng Pangulo matapos itong ipagpaliban noong Lunes.

Huling lumabas sa publiko si Duterte noong Marso 29 para personal na tanggapin ang donasyong bakuna mula sa China.