NAISAKAY na si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa learjet Martes ng gabi, ilang oras matapos siyang arestuhin base sa warrant of arrest na inilabas ng International Criminal Court.
As of posting time, hindi pa batid kung saan dadalhin si Duterte, bagamat nauna nang naibalita na una siyang ipupunta sa Dubai bago siya dalhin sa The hague, The Netherlands.
Kasama niya sa eroplano ang kanyang dating Executive Secretary na si Salvador Medialdea.
