NANINIWALA si Senate Minority Leader Aquilino Pimentel III na ang palaging pagbanggit ng “killing topic” ni dating Pangulong Duterte ay senyales ng serious personality disorder.
Ginawa ni Pimentel ang pahayag matapos sabihin kamakailan ni Duterte sa proclamation rally ng PDP Laban na dapat ay pinapatay na ang 15 senador para makatiyak na mananalo ang mga tumatakbong senador sa kanyang tiket.
“A person’s obsession with the topic of death and killing, mentioning it every time he or she speaks, is a worrying sign of a serious personality disorder,” pahayag ni Pimentel.
Hiniling din ni Pimentel sa Department of Justice at National Bureau of Investigation (NBI) na suriin na ang mga ginawang pahayag na ito ng dating pangulo ay kailangan gawan ng legal na aksyon.
“Let DOJ and NBI do their work. They should know if, given the facts, a crime has been committed or not. If there is no crime whatsoever, then let us drop the issue,” dagdag pa nito.
Nauna na ring sinabi ni Justice Secretary Crispin Remulla na bahala na ang NBI kung iimbestigahan nito ang pahayag ni Duterte.