NANAWAGAN ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa publiko na lumahok sa Earth Hour na nakatakda mamayang gabi (Marso 25, 2023).
Magsisimula ang Earth Hour alas-8:30 hanggang-9:30 ng gabi. Ito ay bilang pagsuporta sa pandaigdigang kampanya na protektahan ang planeta at labanan ang climate change.
Sinabi ng DENR na hinimok na rin nito ang mga regional offices na patayin ang kanilang ilaw ng isang oras.
Ang Earth Hour ang isang inisyatiba ng World Wildlife Fund (WWF), kung saan hinihimok nito ang mga indibidwal, komunidad at mga negosyo na patayin ang mga hindi kinakailangang ilaw sa loob ng isang oras tuwing katapusan ng Sabado ng Marso.
“The one-hour lights off action significantly lowers energy consumption, thus reducing carbon emission and harmful greenhouse gases (GHG), whose biggest source is electricity,” ayon sa DENR.