LA Tenorio humingi ng milagro sa Birhen ng Antipolo

BUMISITA si PBA player LA Tenorio, na nakikipaglaban sa stage 3 colon cancer, sa Antipolo Cathedral upang ipanalangin ang kanyang paggaling.

Bata pa lang ay deboto na ang Ginebra pointguard ng Our Lady of Antipolo.

Ibinahagi ng Antipolo Cathedral Facebook page ang mga larawan ni LA na nananalangin at ipinagdarasal ng pari.

“Our dear mother, Mary, [we pray] that God’s grace would surround LA Tenorio’s deterioration,” ayon dito.

“As one Catholic church, let’s take a moment and solemnly ask to pray for the PBA basketball star’s recovery,” pakiusap naman nito sa mga Katoliko.