TUMATAAS ang bilang ng kaso ng dengue sa ilang lugar sa Cagayan Valley, Western Visayas at Zamboanga Peninsula.
Ayon sa datos ng Department of Health, nakapagtala ng pagtaas ng mga nasawi dahil sa dengue sa lalawigan ng Cebu, Iloilo, Zamboanga City at Lapu-Lapu City.
Nagdeklara ng noong nakaraang linggo ang Zamboanga City ng dengue outbreak.
“Hindi po buong rehiyon ng regions 2, 6, 9 ang apektado. Meron pong mga probinsiya, specific provinces in each of these regions na apektado ng pagtaas ng kaso,” ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.
“The most probable cause in this rise in cases is nag-uulan na po so kailangan na masusing linisin ang mga backyard natin, ang ating mga tahanan, pubic spaces para mawala itong Aedes aegypti o yung lamok na nakaka-cause ng dengue,” dagdag pa niya.
Nagbukas ang DOH ng “fast lanes” o priority lane at hiwalay na kama para sa mga pasyente ng dengue sa mga lugar na ito, ayon pa kay Vergeire.