Delivery rider inatake sa puso sa kalsada, todas

NASAWI ang delivery rider nang atakahin sa puso habang pumapasada sa Talamban, Cebu City.

Ayon sa pulisya, natumba ang biktima, 33, sa kalsada kaya agad sinaklolohan ng mga motorista.

Wala nang malay ang rider nang itakbo sa pagamutan at hindi na rin ito nare-revive ng mga doktor.

Hinala naman ng imbestigador ay atake sa puso ang ikinamatay ng biktima.

Isasailalim sa autopsy ang bangkay upang madetermina ang cause of death.