GOOD news: Idineklara ng Malacanang nitong Martes na special non-working holiday ang December 26, Martes, para nga naman mabigyan pa ng mas mahabang opportunity ang mga Pinoy na makapag-celebrate ng Pasko kasama ang mga pamilya.
Sa Proclamation No. 425 na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin nitong Dec. 12, sinabi nito na ang longer weekend “encourage families to get together” and “promote domestic tourism.”
Lunes ang Disyembre 25, araw ng Pasko, na isang regular holiday.
Samantala, hindi pa naglalabas ng pahayag ang Palasyo kung pati ang Enero 2 ay gagawin din nitong special non-working holiday.
Inatasan na rin ni Pangulong Bongbong Marcos ang Department of Labor and Employment na maglabas na karampatang circular para sa implementasyon naman ng proklamasyon para sa pribadong sektor.