Deboto sumugod sa Quiapo

SUMUGOD ang mga deboto ng Poong Nazareno sa Simbahan ng Quiapo para sa Linggo ng Palaspas ngayon, isang araw bago pairalin ang enhanced community quarantine sa Metro Manila at apat na karatig-lalawigan.


Walang ginanap na misa pero pinayagan pa rin ang mananampalataya na pumasok para mabendisyunan ang kanilang palaspas.


Wala ring pinayagang magtagal sa simbahan. Bawal ang umupo at magdasal sa loob.


Sinisita naman ng mga pulis ang mga nagkukumpulan sa labas ng simbahan at pinapayuhang sa online na lamang makilahok para sa mga aktibidad sa Semana Santa.


Sa paiiralin na ECQ simula bukas hanggang Abril 4 ay ipinagbabawal ang mass gathering sa labas ng bahay at pinalawig din ang curfew hours mula alas-6 ng gabi hanggang alas-5 ng umaga.