De Lima ‘nega’ sa Covid, nasa ospital sa mild stroke

NEGATIBO sa Covid-19 si detained Sen. Leila de Lima, na isinugod sa ospital sa Maynila ngayong araw matapos umanong magkaroon ng mild stroke.


“Lumabas na yung swab result ni Sen. Leila. (She) is negative” ayon sa chief of staff ni de Lima na si Atty. Fhillip Sawali.


Dinala sa Manila Doctors Hospital ang senadora upang masuri ang kanyang kondisyon.


Pinayagan siya ng dalawang korte sa Muntinlupa na sumailalim sa tatlong-araw na checkup sa nasabing ospital dahil kailangan niya ng MRI at iba pang test at walang equipment ang Philippine National Police General Hospital para rito.


Bago ito ay lumabas sa pagsusuri ng kanyang on-call doctor na “(de Lima) experienced a Transient Ischemic Attack (mild stroke), hence the urgent and extremely important need to rule out a cerebrovascular accident.”


Mula pa noong Abril 20 ay sumasakit na ang ulo at nanghihina ang katawan ng senadora.