NIYANIG ng magnitude 6.5 na lindol ang Davao Occidental kaninang alas-7:48 ng umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Sinabi ng Phivolcs na naitala ang lokasyon ng lindol na may lalim na 166 kilometro, 291 kilometro silangan ng Sarangani Island, Sarangani, Davao Occidental.
Naramdaman ang Intensity II sa Cateel, Davao Oriental.