IBINANDERA ng singer na si Darren Espanto na regular na ang kumustahan nila ng Kapuso actress na si Jillian Anderson.
Sa isang interview, sinabi ni Darren na nagulat siya sa dami ng nagsi-ship sa kanila ni Jillian makaraang bumisita ang dalaga sa “It’s Showtime” kamakailan.
“Nagulat po kaming dalawa kasi hindi po namin in-expect,” ani Darren.
Isa sa mga nagustuhan niya kay Jillian, wika ni Darren, ay ang aura ng “Abot Kamay na Pangarap” star.
“She has this bright aura. Which is something that I noticed right away when I met her. Saka ano siya, she’s very shy until you get to know her,” chika pa ni Darren.
“Before we parted ways, parang napag-usapan nga namin na sana one day, we could do a collaboration, kasi nagsama kami sa parang corporate event before. Malay po natin, makapag-prod po kami sa Showtime,” dagdag niya.
Pero klinaro ng Kapamilya singer-host na hindi niya nililigawan si Jillian.
“Friends lang. Getting to know each other,” sabi niya.