TATAAS ng P1.40 kada litro ang presyo ng gasolina simula bukas, Nobyembre 8, habang bababa naman ng 50 sentimo kada litro ang presyo ng diesel at 30 sentimo naman sa kerosene.
Nauna nang sinabi ni Department of Energy-Oil Industry Management Bureau Assistance Director Rodela Romero na ang pagtaas ng gasolina ay dahil na rin sa paglakas sa konsumo ngayong winter season sa Amerika at pagbabawas a produksyon ng langis ng Organization of Petroleum Exporting Countries ngayong buwan at ang patuloy na giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine.