NAGBABALA ang Department of Agriculture (DA) at Bureau of Animal Industry (BAI) na lalong kakalat ang African Swine Fever (ASF) matapos ipatigil ni Cebu Gov. Gwen Garcia ang ginagawang culling sa mga apektado ng ASF sa Carcar, Cebu.
Sa isang press conference, kinontra rin ni BAI Director Paul Imson ang pahayag ni Garcia na kuwestiyUnable ang ginawang pagsusuri ng BAI.
“The best sample to diagnose kung may ASF o wala is the blood. Yung talaga ang nasa guidelines ng WOAH (World Organization of Animal Health),” sabi ni Imson.
Sinabi ni Imson na aaksyon din ang BAI sakaling pormal na ilabas ni Garcia ang executive order nito kaugnay ng pagpapahinto sa culling.
“We are just waiting for the new executive order and we will handle the situation from there, once na maglabas siya,” sabi pa ni Imson.
Tatlong barangay na ng Carcar, Cebu ang apektado ng ASF. Sakop ng culling ang 500-meter radius mula sa apektadong lugar.
“Yes, that is the risk we all have to take,” dagdag ni Imson, kaugnay ng paglaganap ng ASF.