‘Biktima’ ni Vhong na si Kat Alano nagpasaring: So you gotta have friends…

TINAASAN ng kilay ng mga fans ng TV host-comedian na si Vhong Navarro ang latest tweet ng dating VJ at model na si Kat Alano.

Sey ni Kat: “So you gotta have frieeeends…

Friends in all the right places, even when you’re wrong.”

Hindi man pinangalanan, naniniwala ang mga netizens na si Vhong ang pinariringgan ni Kat dahil ibinasura ng Supreme Court ang mga kasong rape at acts of lasciviousness na inihain laban sa TV host ni Deniece Cornejo.

Matatandaang inihayag ni Kat na pinagsamantalahan siya ng isang personalidad na ang pangalan ay katunog ng salitang “wrong” noong 2005.

Nitong Setyembre ay nag-tweet si Kat na “nakamit na niya ang hustisya” nang arestuhin at ikulong si Vhong kaugnay sa kasong rape na isinampa ni Deniece Cornejo.

Pero noong Disyembre ay nag-tweet siya ng “I can’t stop crying. I feel broken and defeated. Ayaw ko na talaga” makaraang payagang makapagpiyansa ang TV host.

Hindi naman pinalagpas ng mga Vhong supporters ang bagong post ni Kat.

“Are you implying that Vhong Navarro is friends with SC Justices because he won the rape case? Such a bad take there lol.”

“File a case… ingay mo sa social media.. Dun mo patunayan mga allegations mo!”

“Poor thing lipat ka na lang sa Mars or Jupiter.”

“Iyak ka nlng ulit.”

“In your Face!!! Justice prevails!!!! Just stop already!”

“Edi nanaig din ang katotohanan, hindi talaga magtatagumpay yung mga katulad nyong mga ubod ng sinungaling.”