UMAKYAT sa 8.5 porsiyento ang positivity rate o bilang ng mga taong nagpositibo sa coronavirus disease (Covid-19).
Ito ay ayon sa tala ng OCTA Research Group as of April 19.
Sinabi ni OCTA Research Group fellow Dr. Guido David na may 382 bagong kaso ng Covid-19 habang umabot na sa 4,086,981 ang kabuuang bilang ng kasong naitala ng Department of Health.
Nitong Martes, sinabi rin ni DOH Officer in Charge Maria Rosario Vergeire na umabot sa 7.6 porsiyente ang positivity rate sa buong bansa, mas mataas sa 6.9 porsiyento na naitala noong isang linggo.