Covid-19 galing sa Chinese lab — CIA

covid transmission

NAGBAGO ng kanilang posisyon ang Central Intelligence Agency hinggil sa pinagmula ng Covid-19.

Sa isang pahayag nitong Sabado, sinabi ng CIA na ang virus ay “more likely leaked from a Chinese lab transmitted by animals.”

Ang pinakabagong pahayag ay nagmula kay John Ratcliffe na kakakumpirma lamang bilang CIA director sa ilalim ng bagong administrasyon ni Donald Trump.

Ayon kay Ratcliffe, na nagsilbi ring director ng national intelligence sa unang termino ni Trump noong 2020-2021, na nagmula ang virus mula sa Wuhan Institute of Virology.

“CIA assesses with low confidence that a research-related origin of the COVID-19 pandemic is more likely than a natural origin based on the available body of reporting,” ayon sa pahayag ng CIA.

Ang bagong pahayag ay base sa bagong analysis ng existing intelligence na una nang iniutos ni CIA director William Burns, na naging kumpleto bago pa maupo si Ratcliffe.

Suportado naman ng ibang ahensya gaya ng Federal Bureau of Investigation at Department of Energy ang lab leak theory.