LUSOT na sa Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang resolusyon na nagsusulong na magsagawa ng constitutional convention na siyang magbibigay daan para amyendahan ang 1987 Constitution.
Sa botong 301, anim ang kumontra at isa ang nag-abstain, inaprubahan ng Kamara ang Resolution of Both Houses (RBH) No. 6.
Ipinagtanggol naman ni Speaker Martin Romualdez ang resolusyon sa pagsasabing kailangan nang amyendahan ang Konstitusyon para makahikayat ang mas maraming mamumuhunan.
“We need additional investments that would create more job and income opportunities for our people. We need increased capital to sustain our economic growth momentum,” sabi ni Romualdez.