Comment ni Barbie sa kasal nina Sarah, Richard nahalungkat ng netizens.

VIRAL sa social media ang komento ng aktres na si Barbie Imperial sa wedding photo ni Sarah Lahbati at Richard Gutierrez noong 2020.

Sa X post ni @AltIndayBadiday, makikita ang pagbati ni Barbie para kay Sarah at Richard Gutierrez.

“Omg!!! Congrats ate Sarah! Best wishes!” ani Barbie.

Si Barbie ang itinuturong bagong karelasyon ni Richard.

Hati naman ang reaksyon ng publiko ukol sa lumutang na komento ni Barbie sa kasalan.

“OA naman. Pwede naman na genuine yang pag bati nya dati.”

Eh ano naman ngayon? Eh hindi naman siya ang rason kung bakit sila naghiwalay? Pumasok si Barbie hiwalay na sila

“Pati ba baman comment hinalungkat pa grabe ang effort ng fans makahanap lang ng masisi sa hiwalayan mlng mag ex kaya kung ano ano nalang ang binabatong salita kay B isipin nyo naman kung gaano kayo kababaw mag isip.”

“Delikado talaga minsan ung mga tumatawag ng ate at kuya.”

“Hule ka hahahaha.”

“Kaloka. Mahirap magtiwala sa nag a ate at kuya ahahahaa.”