INAYAWAN ng mga residente ng City of San Jose Del Monte sa Bulacan na maging highly urbanized na syudad ito, ayon sa Commission on Elections.
Ito ay matapos bumoto ng “no” ang mahigit sa 800,000 botante sa Bulacan sa isinagawang plebisito kasabay ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa panukalang gawing highly urbanized city ang SJDM laban sa 620,000 na bumote ng “yes”.
Sa isinagawang halalan nitong Lunes, binigyang ang mga botante sa Bulacan ng karagdagang balota para ratipikahan ang Proclamation No. 1057 na inilabas ni dating Pangulong Duterte para i-convert ang SJDM bilang HUC.
Nasa mahigit 650,000 ang populasyon ng SJDM, mas mataas sa 200,000 na required ng Republic Act 7160 or the Local Government Code of 1991 para maging isang highly urbanized city.
Sinasabi na maraming umayaw na maging highly urbanized city ang lungsod dahil sa mas mataas na local tax na posibleng ipataw sa mga residente at posibleng tanggalin ng provincial government ang scholarship na ibinibigay sa mga batang residente rito.