PINAYUHAN ni presidential aspirant Vice President Leni Robredo ang mga Pinoy na maging “selfless” sa kabila ng mga hamon na kinakaharap ng bansa.
Sinabi ni Robredo na bagama’t mas magiging payak ang pagdiriwang dahil sa pandemya ng COVID-19 at sa katatapos lamang na kalamidad na dala ng bagyong Odette, dapat pa rin mangibabaw ang mensahe ng Pasko.
“Despite these challenges, we wrap our presents, however small. We set the table even if get-togethers are humbler. We hang lanterns and lights so that those around us feel the message Christmas brings: That hope is found in togetherness, in opening oneself to one’s fellow human beings, in letting them feel that they are not alone, that we always have someone beside us, whether in times of trial or along the path towards our dreams,” ayon kay Robredo.
Dagdag pa niya na ang pagdiriwang ng Pasko ay magiging mahirap para sa maraming taong namatayan ng dahil sa pandemya o kamakailang bagyo o mga nawalan ng kabuhayan sa gitna ng krisis sa ekonomiya.
“The past year has not been easy. Many are just now attempting to start over after the challenges brought by the pandemic. This past week saw more hardship in the devastation brought by typhoon Odette. There will be those among us who will celebrate Christmas without the presence of their loved ones,” pahayag pa ng bise presidente.