NAGBABALA ang China na magdudulot ng seryosong pinsala sa Pilipinas ang pagpapalawak ng sakop ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sa pagitan ng bansa at ng Estados Unidos.
Sa isang pahayag, sinabi ng China na hindi lamang ang interes ng Pilipinas ang malalagay sa alanganin kundi maging ang stability ng buong rehiyon dahil sa EDCA na isinusulong ng Amerika.
“To bundle the Philippines into the chariots of geopolitical strife will seriously harm Philippine national interests and endanger regional peace and stability,” sabi ng China.
Ito’y bilang reaksyon sa naunang pahayag ni US Ambassador to the Philippines MaryKay Carlson na hindi niya nakikita ang EDCA bilang magnet para magdulot ng agresibong pagkilos ng China.