China Coast Guard binangga barko ng Pinas sa Escoda Shoal

BINANGGA ng China Coast Guard ang BRP Datu Sanday ng Philippine Coast Guard 10 nautical miles mula sa Escoda Shoal sa West Philippine Sea alas-2:11 ng hapon ngayong Linggo, Agosto 25, 2024.

Sakay ang Inquirer reporter na si Nestor Corrales ng barko ng Pinas ng maganap ang pinakabagong insidente ng pambu-bully ng China.