Chartered flight ni Digong pa-Netherlands gastos ng Malacanang

SINAGOT ng Malacanang ang ginastos sa chartered plane na nagdala kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa The Hague, Netherlands, kung saan siya haharap Biyernes ng gabi sa International Criminal Court para sagutin ang mga kasong crime against humanity na isinampa sa kanya.

Ito ang ginawang pag-kumpirma ni Interior Secretary Jonvic Remulla nitong Huwebes.

“The plane is chartered by the Office of the President. We brought him straight to the Netherlands,” ayon kay Remulla sa panayam sa kanya ng ANC.

Hindi naman tinukoy ni Remulla sino ang may-ari ng private jet na Gulfstream na may tail number RP-C5219 at kung magkano ang ibinayad dito ng OP.

Pinabulaanan ni Ako Bicol Party-list Rep. Elizaldy Co, na siya ang may-ari ng jet gaya nang napaulat.

“I would like to stress that I do not own the RP-C5219 Gulfstream G550 aircraft… Social media posts linking me to this aircraft are completely untrue,” ayon kay Co.