GUILTY si Presidential Assistant for Strategic Communications Cesar Chavez na kabilang siya sa mga naunang nagpakalat ng pekeng proklamasyon ng Malacanang na diumano’y nagdedeklara ng half-working day sa Disyembre 22, 2023.
Inako naman agad ni Chavez ang kanyang pagkakamali nang hindi niya bineripika ang nasabing proklamasyon bago ito ipinost sa kanyang social media account.
“Apologies. I also posted a content that was not first verified by me,” saad ni Chave sa kanyang pahayag.
“For the confusion, the blame should be on me. I take full responsibility for this,” dagdag pa nito.
Ang pekeng Proclamation No. 427 ay mabilis na kumalat sa online lalo pa’t maging ang ilang government agencies at local government units ay ipinost ito.
Nagpalabas naman agad ng klaripikasyon si Presidential Communications Office Sec. Cheloy Garafil at sinabi na ang nasabing proklamasyon ay “fake”.
Base sa Official Gazette, ang totoong Proclamation No. 427 ay hinggil sa pagdedeklara sa siyam na indibidwal bilang mga “manlilikha ng bayan.”