Cedric Lee, Deniece Cornejo guilty sa serious illegal detention

HINATULAN ng Taguig Regional Trial Court ang negosyanteng si Cedric Lee, modelong Deniece Cornejo at dalawang iba pa sa kasong serious illegal detention na isinampa ng actor-host na si Vhong Navarro.


Ito ang inanunsyo ngayong umaga ng Huwebes ng abogado ni Vhong na si Alma Mallonga.


Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, agad na ipinag-utos ng korte na ikulong si Deniece.


Wala si Cedric sa promulgasyon ng kaso kaya ipinag-utos ang agarang pag-aresto rito.


Matatandaan na inasunto ni Vhong ang mga akusado makaraan umano siyang ikulong ng mga ito sa loob ng condominium unit ni Cornejo sa Bonifacio Global City sa Taguig noong January 22, 2014.


Sinaktan at tinakot din umanong papatayin ng mga akusado si Vhong at humihingi ng pera para palayain ang aktor.


Depensa naman ni Lee, citizen’s arrest ang ginawa niya kay Vhong dahil nahuli umano ang aktor sa aktong tangkang panggagahasa kay Deniece.